Nikola Jokic naipanalo ang laban ng Nuggets kontra Dallas sa pamamagitan ng buzzer beater-dunk

Naipanalo ng buzzer beater-dunk ni Denver Nuggets center Nikola Jokic ang basketball match kontra Dallas Mavericks sa iskor na 100-99.

Sa huling 5.8 seconds ng laro, naka-dunk si Jokic dahilan para makalamang ng isang puntos ang Dallas.

Nakapagtala si Jokic ng 11 points, 14 rebounds at 8 assists sa laro.

Malaking tulong din ang 33 points ni Paul Millsap sa pagkapanalo ng koponan.

Samantala, kumapos naman ang 24 points ni Luka Doncic at 20 points ni Jalen Brunson para sa Mavericks.

Read more...