Ilang barangay sa Mandaluyong City, may supply na ng tubig

Radyo Inquirer Photo

Naibalik na rin ng Manila Water ang supply ng tubig sa Baranggay Mauway, Malamig, Hulo, at Plainview sa Mandaluyong City.

Ito ay pagkaraan ng apat na araw na pagkaantala sa serbisyo ng tubig.

Ayon sa mga residente, malabo ang tubig na lumalabas sa mga gripo at pabago-bago rin ang oras ng dating ng tubig .

Ang mga barangay Mauway, Malamig, Hulo, at Plainview ay apat lamang sa maraming barangay sa Mandaluyong City na apektado ng water interruptions.

May mga pagkaantala pa rin sa serbisyo ng tubig sa mga parte ng Barangay Addition Hills at Barangka Drive na magtatagal mula alas-onse ng umaga hanggang alas-syete ng gabi ngayong araw.

Read more...