Binanggit ni Duterte ang mga pangalan ng mga pulitikong sangkot umano sa ilegal na transaksyon ng droga sa isang pulong sa Davao City, Huwebes ng gabi.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng international human rights organization na makaaapekto ito sa darating na 2019 midterm elections.
Giit pa nito, hindi nabigyan ng due process ang mga pulitikong nabanggit sa listahan.
Kung mayroong ebidensya ang gobyerno, dapat umanong arestuhin at kasuhan ang mga personalidad.
Matatandaang kabilang sa inilabas na listahan ni Duterte ang tatlumpu’t limang alkalde, pitong bise alkalde, isang provincial board member at tatlong miyembro ng Kongreso.