Ang tropical depression ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,910 km East ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong pa-Kanluran.
Ang nasabing bagyo ay posibleng pumasok sa bansa bukas ng gabi o sa Linggo ng umaga.
Papangalan itong Chedeng sa sandaling pumasok na ng bansa.
Ayon sa PAGASA, maghahatid ito ng kalat-kalat na hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga lalawigan sa eastern section ng Mindanao sa Lunes at Martes.
Ang mga residente sa nasabing mga lugar ay pinapayuhang maging handa sa posibleng pagbaha at landslides na maaring maidulot ng malakas na pag-ulan.