Malakanyang pinayuhan ang mga nasa narcolist na magsampa ng kaso sa korte

Pinayuhan ng Malakanyang ang mga kumukwestyon sa nilalaman ng narcolist na magtungo sa korte at doon na lang magsampa ng kaso.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung nais ng mga napasama sa listahan na kwestyunin ang nilalaman ng narcolist ay malaya silang gawin ito.

Mayroon naman aniyang judicial remedy ang mga ito at pwede silang magsampa ng reklamo.

Ani Panelo bagaman maykani-kaniyang karapatan aniya ang mga napangalanang narco politicians ay may karapatan din ang pamahalaan na protektahan ang estado sa mga maling gawain lalo na kung makokompromiso ang kapakanan ng nakararami.

Excerpt:

Read more...