Si Salic ay dinakip kamakailan dahil sa kasong relebyon kaugnay sa Marawi siege.
Dinala sa DOJ si Salic umaga ng Biyernes, Mar. 15 para sumailalim sana sa inquest proceedings.
Sa utos ni Sr. State Prosecutor Peter Ong sasailalim na lamang muna sa preliminary investigation ang kaso ni Salic.
Ayon kay Ong, dinakip si Salic sa Marawi City Hall dahil sa kasong may kinalaman sa pangyayaring naganap dalawang taon na ang nakararaan.
Pinuna din ni Ong ang hindi pagkakatugma ng ilang pahayag ng testigong si Walid Usman Rakman.
Si Salic ay dinakip sa bisa ng umiiral na martial law sa Mindanao.
READ NEXT
BREAKING: Manila Water at Maynilad pinaaatasan ni Pangulong Duterte na mag-release ng tubig mula sa Angat Dam
MOST READ
LATEST STORIES