Kaso ng dengue sa bansa umabot na sa 40,000

Umabot na sa mahigit 40,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH Epidemiology Bureau, mula January 1 hanggang March 2, nakapagtala na ng 40,614 na dengue cases sa bansa.

Ang naturang bilang ay mas mataas ng 68 percent kumpara sa 16,383 na kasong naitala noong kaparehong petsa ng nakaraang taon.

Kasabay nito patuloy ang paghimok ng DOH sa publiko na gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang sakit.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng 4-S strategy upang maiwasan ang paglaganap ng lamok na may dalang dengue virus.

Read more...