Anahawan, Southern Leyte niyanig ng M3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Anahawan sa Southern Leyte.

Naitala ang lindol sa 4 kilometers northeast ng Anawahan alas 10:56 ng umaga ng Biyernes, Mar. 15.

1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity IV sa Hinunangan at San Juan sa Southern Leyte dahil sa nasabing lindol.

Read more...