Pilipinas hindi makikipagtulungan sa ICC sa imbestigasyon sa war on drugs laban kay Pangulong Duterte

Tiyak na walang aasahang kooperasyon sa sa pamahalaan ng Pilipinas ang International Criminal Court sakaling ituloy pa ang imbestigasyon sa crimes against humanity bunga ng anti-drug war campaign na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng napipintong pagkalas ng pilipinas sa ICC na magiging epektibo sa March 17.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa una pa lamang, wala naming hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil hindi naging miyembro ang bansa sa Rome Statue na nagtatatag sa ICC.

Iginiit pa ni Panelo na nilalabag ng ICC ang sariling batas dahil malinaw na nakasaad sa Rome Statute na hindi maaring makapagpatuloy ng imbestigasyon hanggat walang preliminary investigation.

Sa ngayon nasa preliminary examination pa lamang ang ICC o isang hakbang bago ang preliminary investigation.

Read more...