Opening day para sa mga bagong pelikula sa mga sinehan napagkasunduang ilipat ng Biyernes sa halip na Huwebes – FDCP

Sa halip na araw ng Miyerkules gaya ng kasalukuyang umiiral, ililipat na sa araw ng Biyernes ang opening day para sa mga bagong pelikula sa mga sinehan.

Ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP), chairperson Liza Diño-Seguerra, sumang-ayon ang mga stakeholder mula film industry na baguhin ang opening day para sa bagong mga pelikula.

Inihayag ito ni Diño sa kaniyang post sa Facebook matapos ang isinagawang pulong.

Wala pa namang ibinigay na petsa si Diño kung kailan mag-uumpisa ang pagbabago ng schedule.

Layon nitong maiahon ang local film industry.

Sa sandali kasing maging Biyernes na ang pagbubukas ng mga bagong pelikula ay inaasahang mas dadagsa ang maraming manonood sa mga sinehan dahil weekend.

Read more...