Northeast Monsoon muling umiral, apektado ang extreme northern Luzon; LPA namataan sa silangang bahagi ng Mindanao

Muling nagbalik ang pag-iral ng Northeast Monsoon at ngayon ay apektado ang bahagi ng extreme northern Luzon.

Ang Batanes at Babuyan Group of Islands, nalalabing bahagi ng Cagayan, Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Quezon at Aurora ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong umaga.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon.

Bahagyang maulap na papawirin lamang ang mararanasan sa buong Visayas.

Samantala ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 2,100 kilometers east ng Mindanao at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Wala itong direktang epekto sa bansa pero sa susunod na 24 hanggang 36 na oras ay may posibilidad itong maging bagyo at maaring pumasok sa bansa sa Sabado o Linggo.

Posibleng maglandfall ang nasabing LPA sa eastern part ng Mindanao sa Lunes o Martes.

Ang extension naman ng nasabing LPA ay naghahatid na ng maulap na papawirin sa Davao Region at sa Soccsksargen.

Dahil naman sa pagbabalik ng hanging amihan, nakataas ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan, Calayan, Northern Coast ng Ilocos Norte, at Northern Coast ng Cagayan.

Read more...