Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin ngayong umaga – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Base sa rainfall information na inilabas ng PAGASA alas 5:55 ng umaga kanina, makararanas ng light hanggang moderate na pag-ulan sa Tarlac, Bulacan, Laguna, at Rizal sa susunod na dalawang oras.

Habang mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang mararanasan sa Polilio Island, General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Atimonan at Perez sa lalawigan ng Quezon; at sa mga bayan ng Sto. Domingo, Aliaga, at Quezon sa Nueva Ecija.

Tatagal din ng isa hanggang dalawang oras ang mararanasang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.

Read more...