M3.6 na lindol naitala sa Southern Leyte

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Southern Leyte ala-1:24 madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong isang kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Hinundayan.

May lalim lamang na isang kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahang nagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...