WATCH: Duterte pinangalanan ang mga narco politicians

Isa-isang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng mga pulitiko na umanoy sangkot sa kalakalan ng droga sa bansa.

Sa National Peace and Order Council Meeting sa Davao City araw ng Huwebes, pinangalanan ng Pangulo ang anyay mga narco politicians.

Nilalaman ng bagong narco list ang pangalan 46 na mga pulitiko.

Kabilang sa listahan ang 35 mayors, pitong vice-mayors, isang provincial board member at tatlong kongresista.

Read more...