Duterte sa mga pari: ‘Wala akong pakialam kung mamatay kayo, maluwag pa ang sementeryo’

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaparian ng Simbahang Katolika.

Sa National Peace and Order Council Meeting sa Davao City araw ng Huwebes, tinalakay ng pangulo ang umano’y pagdarasal ng mga pari sa loob ng misa na mamatay na siya.

Ito anya ang dahilan kung bakit gumanti siya at hinimok ang mga tambay na patayin ang mga pari at ngayon nama’y nangangamba na ang mga ito sa kanilang mga buhay.

Ayon sa pangulo, ang mga pari ang nagsimula ng gulo at wala siyang pakialam kung magkandamatay ang mga ito.

Sinabi ni Duterte na maluwang pa ang mga sementeryo para sa mga pari.

Samantala, dahil sa mga kasalanan ng mga pari sinabi ni Duterte na dapat na pagbabarilin ang mga ito.

“P*tangina kayong mga pari kayo dapat nga kayo ang pagbabarilin eh. When you have raped a child, you have raped a woman yesterday, maybe acts of lasciviousness, may pari pa pumasok ng shabu,” hirit ng presidente.

Makailang beses nang binanatan ng presidente ang mga pari at obispo.

Kamakailan lamang ay inihayag ng dalawang obispo at tatlong pari na nakatanggap sila ng death threats dahil sa mga birada ng pangulo.

Read more...