Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pagbabanta kundi pagpapatawa lamang ang naging pahayag ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Isabela.
Paliwanag ni Panelo, hindi naman libre ang pagbaril ng tao dahil may bayad ang pagpatay kung kaya walang logic ang pahayag ng Pangulo.
Iginiit pa ni Panelo na kasama na sa kampanya at bahagi lamang ng freedom of expression ang pahayag ng Pangulo.
Dadag ni Panelo, maging ang mga taga Otso Diretso ay panay rin ang banat sa mga pambato ng administrasyon.
Matatandaang sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong walang silbi o walang kwentang tao si Roxas kung kaya maari niya itong barilin ng libre lamang.
Wala rin aniyang loyalty si Roxas dahil parehong nagsilbi sa gabinete nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.