Malakanyang duda na artipisyal lang ang krisis sa tubig sa Metro Manila

Radyo Inquirer Photo

Sinisilip na ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang posibilidad na artisipyal lamang ang nararanasang kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na hindi palalagpasin ng pamahalaan at papatawan ng kaukulang parusa ang mga water concessionaire kapag napatunayan na hindi totoo na kulang ang suplay ng tubig.

Ayon kay Panelo, kwestyunable kasi ang kawalan ng suplay ng Manila Water habang sapat ang suplay na Maynilad gayung pareho lang naman silang kumukuha ng tubig sa Angat Dam.

Iginit pa ni Panelo na maaaring mismanagement ang nangyayari ngayon sa Manila Water.

Ipinunto pa ni Panelo na base sa kanyang pakikipag-usap kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi nitong sapat naman ang tubig sa Angat Dam.

Nangangahulugan anya na posibleng may problema lamang sa distribusyon ng tubig ang Manila Water.

Read more...