Ipinagbabawal man ang pagmamartsa ngayon sa France dahil sa umiiral na state of emergency, hindi pa rin napigilan ang mga environmentalists at aktibista na ihayag ang kanilang mga panawagan.
Sa halip na magmartsa o magtipun-tipon, gumawa ng linya ng mga sapatos ang mga aktibista sa Paris kasabay ng pagsasagawa ng healing ceremony para hikayatin ang mga world leaders na gumawa ng kasunduan kaugnay sa climate change.
Ginawa nila ito sa Place de la Republique square para sumimbolo sa mga taong hindi pinayagang mag-martsa.
Nais din nilang himukin ang mga pinuno ng mga bansa na dadalo sa U.N. climate talks na magkasundong bawasan na ang mga emissions na nagpapalala sa climate change at tulungan ang mga mahihirap na bansa na kayanin ang global warming.