BJMP: Mga bilangguan hindi kapos sa suplay ng tubig
Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na sapat ang suplay ng tubig sa mga kulungan sa Metro Manila.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na maagang nakipag-ugnayan ang ahensya sa kanilang water suppliers.
Kadalasan na kasi aniyang nagkakaroon ng krisis sa tubig tuwing panahon ng tag-init.
Mahalaga aniyang masiguro na sapat ang suplay ng tubig para sa kalusugan ng mga bilanggo sa kulungan.
Ayon pa sa opisyal, nakipag-ugnayan na rin ang BJMP sa Bureau of Fire Protection o B-F-P para maasistihan sila sa pagbibigay ng water supply sa mga kulungan.
Tuwing panahon ng tag-init ay karaniwang nagkakaroon ng iba’t ibang sakit sa balat ang mga bilanggo sa mga siksikan na kulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.