Nadine Lustre, Pia Wurtzbach at Sam Concepcion kasama sa concert ni Dua Lipa sa Indonesia

Makakasama ng Grammy award-winning singer na si Dua Lipa sina Nadine Lustre, Pia Wurtzbach at Sam Concepcion sa kaniyang concert sa Indonesia.

Ang “Super Concert” ni Dua Lipa ay gaganapin sa March 26 sa Indonesia Convention Exhibition.

Mapapanood via live stream sa Southeast Asia e-commerce website na Lazada ang nasabing konsyerto sa Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.

Ang konsyerto ay handog ng naturang e-commerce site sa publiko para sa kaniyang ika-pitong anibersaryo.

Kasama din sa konsyerto ang iba pang performers mula sa Vietnam, Indonesia, at iba pa.

Read more...