Local holidays sa Antipolo, Cavite at Canlaon City nilagdaan ni Pangulong Duterte

Tatlong local holidays ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nilagdaang proklamasyon, indineklara ni Pangulong Duterte ang special non-working holiday sa Canlaon City, Negros Oriental sa March 19, araw ng Martes.

Ito ay bilang pagdiriwang sa Pasayaw Festival sa lungsod.

Sa March 22 naman, araw ng Biyernes, idineklara rin ni Pangulong Duterte ang special non-working holiday sa buong lalawigan ng Cavite.

Ito ay para gunitain naman ang araw ng kapanganakan ni General Emilio Aguinaldo.

Sa April 4 naman na araw ng Huwebes, special non-working holiday din sa Antipolo sa Rizal.

Gugunitain naman ang ika-21 anibesaryo ng Cityhood ng Antipolo.

Ang nasabing mga deklarasyon ay pawang nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 12.

Read more...