Eroplanong sinasakyan ng Otso Diretso candidates bigong makalapag sa paliparan sa Isabela
By: Dona Dominguez-Cargullo
- 6 years ago
Hindi natuloy ang pagsasagawa dapat ngayong umaga ng campaign rally ng “Otso Diretso” sa Isabela at Cagayan.
Sa abiso ng Otso diretso, nagpasya silang kanselahin na ang sorties sa dalawang lalawigan matapos na hindi makapalapg ang sinasakyang eroplano ng mga kandidato sa paliparan sa Isabela.
Sa post sa Twitter ng isa sa mga kandidato ng oposisyon na si dating Cong. Erin Tañada, dalawang beses tinangka ng kanilang piloto na lumapag pero bigo ito.
Nagpasya na lamang umano silang bumalik sa Metro Manila.
Dapat sana ay mayroong campaign sortie ngayong araw at bukas sa Cauayan City, Isabela at sa Tuguegarao City sa Cagayan ang Otso Diretso.