Pag-admit ng pasyente sa Rizal Medical Center balik-normal na – Duque

Balik-normal na muli ang pag-admit ng mga pasyente sa Rizal Medical Center sa Pasig City.

Nang maapektuhan kasi ng water shortage, mula sa dating 200 pasyente na tinatanggap sa emergency room ng ospital ay ibinaba ito sa 30 pasyente na lamang.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, normal na muli ang operasyon ng ospital.

Inalis na aniya ang limitasyon sa pagtanggap pasyente ER matapos na makapag-deliver doon ng tubig ang mga tangke ng Manila Water, Red Cross at Bureau of Fire Protection.

Ani Duque pinulong na niya ang Manila Water, Red Cross at BFP para masigurong may sapat na suplay ng tubig sa mga apektadong pagamutan.

Read more...