Ilang barangay sa Mandaluyong City ang hihirit ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng krisis sa tubig.
Maraming lugar sa Mandaluyong ang labis na naapektuhan ng ilang araw nang water service interruption na ipinatutupad ng Manila Water.
Ayon kay Mandaluyong City information officer Jimmy Isidro, sa ngayon mayroong 5 barangay ang nais na magrekomenda ng deklarasyon ng state of calamity.
Ang resolusyon para sa rekomendasyon ng state of calamity ay isusumite kay Mayor Carmelita Abalos na siya namang magsusumite nito sa City council.
Sa sandaling maideklara ang state of calamity ay magagamit ang emergency funds ng mga apektadong barangay.
Ipinag-utos na ni Mayor Abalos ang activation ng mga deep well sa lungsod at pinasuspinde muna ang operasyon ng mga car wash at laundry business.