2 lalaking nagpaputok sa gasolinahan sa Tayabas, Quezon patay sa engkwentro

Police banner

Patay ang dalawang lalaki makaraang maka-engkwentro ng mga otoridad sa bayan ng Tayabas sa lalawigan ng Quezon, Huwebes (Mar. 14) ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Col. Mark Laygo, hepe ng Tayabas police, nagpagasolina sa branch ng PTT gas station ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Halagang P100 ng gasolina ang kanilang ipinakarga pero hindi umano nagbayad ang mga ito.

Pinagmumura pa ng mga suspek ang gasoline boy, pinagbantaang papatayin ito at saka ilang ulit na nagpaputok ng baril.

Ani Laygo, nang umalis ang dalawang suspek agad tumawag sa mga otoridad ang mga tauhan ng gas station.

Naharang ang dalawa sa bahagi ng Barangay Calumpang at doon nakipagbarilan sa mga otoridad.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

Read more...