50 katao kabilang ang isang dating konsehal, arestado sa sinalakay na sabungan sa Quezon

Arestado ang mahigit 50 katao kabilang ang isang dating konsehal ng bayan nang salakayin ng mga otoridad ang isang ilegal na sabungan sa bayan ng Tiaong sa Quezon.

Ayon kay Supt. Eufronio Obong, hepe ng Tiaong Police, walang naipakitang permit ang mga nagsasabong nang puntahan nila ang sabungan.

Dahil dito, dinampot ang nasa 50 katao kabilang ang isang dating konsehal na si Val Preza.

Humarap naman si Preza kay Obong at sinabing mayroong permit ang sabungan na aprubado ng alkalde sa bayan.

Gayunman, bigo pa rin aniya si Preza na ipakita ang permit.

Nakumpisma sa sabungan ang 10 manok na mga panabong, mga kulungan at P10,000 na halaga ng taya sa sabong.

Pinaghahanap naman ang operator ng sabungan.

Read more...