Tail-end of a cold front nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon

Apektado ng tail-end of a cold front ang Northern at Central Luzon ngayong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora dahil sa tail-end of a cold front.

Ang nalalabing bahagi naman ng Central Luzon at lalawigan ng Quezon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Samantala, sa Mindanao, mararanasan ang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maalinsangan ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan.

Read more...