Duterte sa mga rebelde: Sundin ang kundisyon ko para magpatuloy ang peace talks

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magpapatuloy ang peace talks sa mga rebelde kung hindi masusunod ang kanyang mga kundisyon.

Sa kanyang talumpati sa Isabela Miyerkules ng gabi iginiit ng Pangulo ang kanyang mga kundisyon para matuloy ang usapang pangkapayapaan.

Sinabihan ng Pangulo ang mga rebelde na itigil ang pangongolekta ng revolutionary taxes.

“NPA, if you want to have peace during my term, drop the arms, stop extortion,” ani Duterte.

Handa anya ang gobyerno na gumastos para sa resumption ng peace talks na nabalam matapos nitong pirmahan ang Proclamation No. 360 noong November 2017.

“Fifty-years of fighting and do you want another 52 years to fight for nothing?” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ni Duterte na hindi siya pwedeng limitahan ng mga rebelde sa pagtakda ng mga kundisyon para matuloy ang peace talks.

“Ako ’yung may hawak ng gobyerno, bigyan mo ako ng limitasyon? Hindi man pwede ’yang ganun,” pahayag nito.

Matatandaan na ilang beses nagbago ang pahayag ng Pangulo ukol sa resumption ng peace talks.

Una nitong sinabi na nais na lamang niya ang localized peace talks pero sinabi kalaunan na hindi isinarado ng gobyerno ang pinto sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Read more...