“I will be firing another set of officials. I’m sorry. Mahirap (It’s difficult),” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas Bayan (PDP-Laban) sa Cauayan, Isabela Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Pangulo, kurapsyon pa rin ang dahilan kaya ilan pang opisyal ang kanyang tatanggalin sa pwesto.
Pero wala ng ibang detalye na sinabi ang Pangulo ukol sa sisibakin pa nito sa mga susunod na araw.
Ang pahayag ni Duterte ay ilang araw matapos sabihin ng Malakanyang na sinibak si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan dahil umano sa katiwalian.
Itinanggi ito ni Balutan at humiling ito ng imbestigasyon ukol sa alegasyon laban sa kanya.
Kalaunan ay nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagbitiw sa pwesto at hindi sinibak si Balutan.
Ang resignation letter anya ni Balutan ay nakarating sa Palasyo matapos na maanunsyo na tinanggal ito sa pwesto.