DOH: Kaso ng tigdas mahigit 18,000 na; namatay umabot na sa 286

Pumalo na sa mahigit 18,000 ang naitalang kaso ng tigas sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng kagawaran, nasa kabuuang bilang na 18,553 ang kaso ng tigas sa bansa mula January 1 hanggang March 7, 2019.

Sa naturang bilang, 286 rito ang bilang ng mga nasawi sa kaparehong petsa.

Sinabi pa ng DOH na nananatili pa ring pinakaapektado ng nasabing sakit ang mga batang may edad 1 hanggang 4.

Noong nakaraang taon, nasa 3,829 lamang ang naitalang kaso sa bansa kasama ang 39 nasawi.

Read more...