Marawi City vice mayor inaresto sa kasong rebelyon

Inaresto si Marawi City, Lanao del Sur Vice Mayor Arafat Salic sa ikinasang joint law enforcement operation dahil sa kasong rebelyon, araw ng Miyerkules.

Ayon kay Philippine Army 103rd Infantry Brigade Commander Col. Romeo Brawner, kabilang si Salic sa Office of the Martial Law Administrator Arrest Order na inilabas noong September 4, 2017.

Naaresto aniya si Salic sa Marawi City Hall bandang alas 10:00 ng umaga.

Ayon pa sa opisyal, dumaan na ang bise alkalde sa custodial debriefing at medical check-up.

Sa ngayon, itinurnover si Salic sa Philippine National Police (PNP) para sa proper disposition.

Samantala, binati naman ni Brig. Gen. Roberto Ancan, commander ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, ang matagumpay na implementasyon ng arrest order ng 103rd Brigade, 82nd Infantry Battalion at Marawi City PNP laban kay Salic.

Wala pang inilalabas na detalye ang AFP sa nasabing kaso.

Read more...