National government makikialam na sa krisis sa tubig

Malacañang photo

May binabalangkas na executive order ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan para tugunan ang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, ito ay para maayos na matugunan ng pamahalaan ang problema sa suplay ng tubig.

Dagdag ni Nograles, bago pa man naranasan ang krisis sa supaly ng tubig ay may ginagawa nang hakbang ang economic cluster at cabinet assistance system para maresolba ang problema sa distribusyon ng tubig.

Bukod sa suplay sa tubig ay inaayos na rin ng pamahalaan kung paano tutugunan ang problema sa sewerage, sanitation, irrigation, flood management, watershed management at iba pa.

Sinabi pa ng opisyal na sa pamamagitan ng EO ay mas magiging organisado ang pagtugon ng pamahalaan sa krisis sa tubig.

Read more...