Senado iimbestigahan ang dahilan ng water crisis sa Metro Manila
Pa-iimbestigahan sa Senado ang kasalukuyang nagaganap na kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na dapat malaman kung ano ang naging problema at kung sino ang dapat managot sa kakapusan ng suplay ng tubig na nararanasan sa mga lugar na sakop ng Manila Waters.
Nanindigan si Sotto na dapat lamang na malaman ng publiko kung ano ang pananagutan ng mga water regulators sa kanilang mga consumers.
Aatasan ng pangulo ng Senado ang concerned committee na magsagawa ng kinakailangang imbestigasyon.
Naniniwala rin ang opisyal na hindi dapat isisi sa El Niño ang problema lalo’t dapat napaghandaan ang mag ganitong uri ng pangyayari.
Nauna nang sinabi ng Manila Waters na kapos sa suplay ng tubig ang kanilang kumpanya dahil sa mababang antas ng tubig sa La Mesa Dam.
Isinisi rin ng Manila Waters sa El Niño ang nasabing problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.