PNP tutulong na rin sa water distribution sa Mandaluyong City

Inquirer file photo

Makikipagtulungan na ang pulisya sa sistema ng pamimigay ng tubig sa Mandaluyong City.

Isa ang Mandaluyong sa matinding nakararanas ng kakulangan ng suplay ng tubig bunsod ng patuloy na pagbaba ng water level sa La Mesa Dam.

Ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong City Police Station, makikipagtulungan ang pulisya sa mga pinuno ng mga barangay para sa distribusyon ng tubig.

Ito ay para maiwasan ang anumang kaguluhan sa water distribution.

Mayroon aniyang itinakdang iskedyul sa pamimigay ng tubig sa mga barangay mula sa kaniyang fire truck.

Tanging ang Barangay Plainview ang walang firetruck dahil nakabase ang Bureau of Fire Protection sa Maysilo Circle.

Mananatili pa ring prayoridad sa pagbibigay ng suplay ng tubig ang mga ospital sa lungsod.

Read more...