Ilulunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang malawakang paglilinis sa mga estero sa buong Kamaynilaan.
Sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na magkakaroon ng dayalogo ang DENR at local government unit (LGU) partikular ang mga lugar na may estero na dumadaloy patungo sa Manila Bay sa darating na March 23
Tatalakayin nila ang magiging trabaho sa paglilinis ng mga estero.
Ayon pa kay Antiporda, sabay-sabay na lilinisin ang 210 estero sa Metro Manila sa tulong ng mga LGU at aabot sa 165 na mga barangay.
Samantala, para sa mas mabilis na dredging operation inaasikaso na rin ng DENR at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga nanigas na tambak ng burak at basura sa seabed ng Manila Bay.