Manay, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Manay sa lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 51 kilometers Southeast ng bayan ng Manay, alas-7:56 umaga ng Miyerkules, March 13.

May lalim na 21 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

Read more...