Personal na nagtungo sa Comelec main office sa Intramuros Maynila ang mga kinatawan ng grupo para sa kanilang reklamo laban sa mga matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Rep. Antonio Tinio, karamihan sa mga pangangampanya ng PNP laban sa kanilang grupo ay nasa Region 8.
Ipinakita ni Tinio sa media ang post ng Anahawan Municipal Police Station sa Southern Leyte na hayagan anyang nangangampanya para huwag iboto ang kanilang grupo sa darating na halalan.
Kabilang sa mga tumatayong respondents sa reklamo ng grupo sina PNP Chief Oscar Albayalde, Police Regional Director Dionardo Carlos ng Region 8 at 16 na iba pang opisyal ng mga municipal police stations sa Southern Leyte.
Paliwanag ni Tinio, isinama talaga nila ang PNP Chief sa reklamo dahil sa isyu ng command responsibility.
Nangangamba ang grup na dahil sa negative campaigning ng PNP, bukod sa paglabag sa Omnibus election code at nagagamit din anila ang resources ng pamahalaan.