National Commission on Muslim Filipinos nakidalamhati sa pagpanaw ni MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar

Naghayag ng pakikidalamhati ang tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos sa pagpanaw ni Bangsamoro Transition Commission Chairman and MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar.

Si Jaafar ay pumanaw ala-una ng madaling araw ng Miyerkules.

Sabi ni Secretary Saidamen B. Pangarungan, naging instrumento si Jaafar sa pagbuo ng BARMM. Kilala aniya ito bilang lider na may busilak na puso.

Si Jaafar ay mas nakilala sa mga tagumpay na natamasa ng peace process sa Mindanao. Minahal siya ng mga komunidad sa rehiyon.

Nagsilbi din siyang Amerul Hajj noong 2018 at miyembro ng BARMM parliamentary body.

Nagpapasalamat si Pangarungan sa aniya’y hindi makasariling serbisyo ni Jaafar at pagmamahal sa bayan.

Read more...