Rape slay case sa Cebu, kinondena ni Senator Risa Hontiveros

Mariin ang pagkondena ni Senator Risa Hontiveros sa pagpatay at panggagahasa sa isang junior high school student sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon kay Hontiveros ang sinapit ng 16-anyos na si Cristine Silawan ay hindi makatao at ito ay maituturing na pag-atake sa buong kababaihan.

Hinahamon ng senadora ang awtoridad na agad bigyan hustisya ang dalagita sa pamamagitan ng agad na pagkilala at pag-aresto sa salarin.

Huling nakitang buhay ang biktima sa pagsisilbi nito sa misa sa isang simbahan noong araw ng Linggo at kinabukasan ay natagpuan ang bangkay nito, tadtad ng saksak sa katawan, ginilitan sa leeg at binalatan pa ang mukha.

Read more...