Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaari namang resolbahin ng mga mambabatas ang naturang problema sa kanilang hanay lamang at hindi na kailangan na dumulog sa Korte Suprema.
Totoo ayon kay Panelo na ang Korte Suprema ang itinuturing na final arbiter kapag may legal na usapin na hindi naaayos pero hindi aniya nila nakikita ang senaryong idudulog ng upper at lower chamber ang budget issue sa SC.
Matatandaang ipinatawag kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng Kamara at Senado para plantsahin ang budget.
Sa pahayag ni Senate President Tito Sotto, sinabi nitong sumang ayon na ang Kamara na sundin ang ratified version ng budget ng bicameral conference committee.