Surigao Del Sur at Occidental Mindoro, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Cortes sa lalawigan ng Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 25 kilometers Northeast ng bayan ng Cortes, alas-3:05 umaga ng Miyerkules at may lalim na 11 kilometers.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Looc sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Naitala ang pagyanig sa 26 kilometers Southwest ng bayan ng Looc, alas-3:55 ng umaga at may lalim na 13 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...