BREAKING: MILF First Vice Chairman at Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghazali Jaafar, pumanaw na

Pumanaw na ang First Vice Chairman ng Moro Islamic Liberation Front at Chairman ng Bangsamoro

Transition Commission na si Ghadzali Jaafar.

Ayon sa Bangsamoro Women’s Islamic Auxiliary Brigade o BIWAB MILF, ala una ng madaling-araw kanina

nang bawian ng buhay sa Metro Davao Medical and Research Center sa Davao City si Jaafar.

Sinasabing may matagal nang iniindang sakit si Jaafar na naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Dahil dito, nagluluksa ang Bangsamoro community sa pagkawala ni Jaafar.

Read more...