Inanunsyo ni Kris Aquino na may nakitang probable cause ang Taguig City prosecutor para sampahan ng kasong estafa ang dati niyang business partner na si Nicko Falcis.
Sa kanyang Facebook post ay ipinakita ni Kris ang resolusyon ng Taguig City prosecutor na nagsabing nagawa ni Falcis ang estafa sa pamamagitan ng misappropriation of funds and conversion at ang paglabag ng Access Devices Regulation Act.
Ayon sa actress-host, umaasa siya na ang iba pang kaso laban kay Falcis ay umabot sa korte at mapanagot ito sa kanyang mga krimen.
Sinabi naman ng Divina Law firm na patuloy na naniniwala ang kanilang kliyente sa judicial system at mananaig ang katotohanan.
Nagsampa si Kris ng 44 counts ng qualified theft laban kay Falcis sa mga prosecutor’s office sa Mandaluyong, San Juan. Taguig, Makati, Manila at Quezon City.
Ito ay dahil sa paggamit umano ni Falcis ng P1.2 million na halaga ng credit card expenses para sa kanyang personal na gamit, bagay na itinanggi ni Falcis.