Paggamit ng Boeing 737 Max 8, sinuspinde na rin ng UK

Irish Times photo

Kasama na ang United Kingdom aviation authority sa mga bansa na nagsuspinde ng paggamit ng Boeing 737 Max 8 kasunod ng pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa Ethiophia.

Ayon sa UK Civil Aviation Authority, ang hakbang ay bilang pag-iingat matapos ang malagim na plane crash.

Dahil sa trahedya ay itinigil muna ang anumang commercial passenger flights ng naturang uri ng eroplano.

Una nang nagsuspinde ng operasyon ng Boeing 737 Max 8 ang Singapore, Australia, Malaysia at Oman.

Ito ay ilang araw matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Ethiopia na ikinamatay ng higit 150 katao.

Ang insidente sa Ethiopia ay ilang buwan makalipas naman ang pagbagsak ng Lion Air sa Indonesia na ikinasawi ng halos 190 katao.

Read more...