Pangilinan: Maynilad customers hindi makararanas ng water shortage

Muling tiniyak ng Maynilad na hindi maaapektuhan ng water shortage ang kanilang customers.

Ayon kay Maynilad Chairman Manny Pangilinan, ‘protektado’ ang kanilang customers dahil dalawa ang pinagkukunan ng kumpanya ng tubig – ito ay ang Angat Dam at Putatan Water Treatment Plant.

Hindi anya nakikitang magkakaroon ng water interruption para sa mga consumers ng tubig sa West Zone ng Metro Manila o ang lugar na pinagseserbisyuhan ng Maynilad.

Samantala, sinabi ni Pangilinan na hindi magpapakampante ang Maynilad at maghahanap pa ng ibang pagkukunan ng tubig.

Nauna nang nagpatupad ng water interruption ang Manila Water na nakakaapekto sa East Zone.

Read more...