LOOK: 3 patay sa pagsalpok ng dump truck sa gusali sa Quezon

Credit: Quezon PPO

Patay ang driver at dalawang pahinante ng dump truck matapos sumalpok ang saksakyan sa isang gusali sa Atimonan, Quezon.

Credit: Quezon PPO

Ayon sa hepe ng Atimonan Police na si Chief Insp. Micahel Encio, binabagtas ng truck ang palusong na bahagi ng Barangay Zone 1 nang mawalan umano ito ng preno at bumangga sa center island.

Una rito ay bumangga muna ang truck sa nakaparadang tricycle saka ito sumalpok sa isang government building.

Bukod sa mga nasawi ay nasugatan si Gilbert Adan Villanier na isang tricycle driver.

Credit: Quezon PPO

Wala pang pagkakilanlan ang pulisya sa mga namatay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...