Metro bus hindi na papayagang lumabas sa yellow lane

Contributed photo

Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga city bus na manatili sa yellow lane sa Edsa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MMMDA operations chief at EDSA traffic czar Bong Nebrija na paiigtingin ang implementasyon ng yellow lane policy para masolusyunan ang sikip ng trapiko sa Edsa.

Kapag nanatili ang mga bus sa yellow lane, magkakaroon aniya ng ‘resemblance of order’ sa Edsa.

Humingi naman ng pang-unawa si Nebrija sa publiko dahil sa ipatutupad na istrikong polisiya sa Edsa.

Hindi maaaring makadaan ang mga pribadong sasakyan sa yellow lane o ang una at pangalawang lane sa Edsa maliban kung liliko.

Base sa obserbasyon ng opisyal, kailangang pag-aralan ang deployment ng mga bus sa nasabing lansangan dahil hindi naman napupuno ng pasahero ang mga ito maliban na lamang sa umaga at hapon.

Read more...