2 artista nasa watchlist ng PDEA dahil sa party drugs

Nagsasagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ng imbestigasyon sa dalawang artista na nakita ang pangalan sa cellphone ng napatay na big-time party drug dealer.

Sa isang press conference, sinabi ni PDEA Special Enforcement Services Acting Director Levi Ortiz na nabasa nila ang komunikasyon ng dalawa sa inispkesyong cellphone ni Steven Pasion.

Napatay si Pasion sa ikinasang buy-bust operation, Lunes ng gabi.

Ani Ortiz, nag-order ang dalawang artista ng dalawang daang piraso ng Ecstacy kay Pasion.

Madalas umanong lumalabas sa telebisyon ang dalawang artista.

Itinanggi namang pangalanan ng opisyal ang dalawang artista dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Maliban sa dalawang artista, kliyente rin aniya ni Pasion ang ilang young professionals at estudyante.

Read more...