Pumayag ang korte sa Australia na makuhanan ng video at mai-broadcast ng live ang pagbasa ng hatol kay Australian Cardinal George Pell sa kaso niyang sex crimes.
Si Pell ang maituturing na most senior Catholic official na nahatulang guilty sa sexual abuse at siya ay nahaharap sa parusang 50 taong pagkakabilanggo dahil sa pag-abuso sa dalawang choirboys noong 1996 at 1997 sa Melbourne.
Hinatulan siyang guilty sa kaso noong Disyembre pero sa bisa ng utos ni Judge Peter Kidd, hindi pinayagang maicover ng media ang conviction sa 77 anyos na si Pell.
Hindi rin agad inilabas sa mga mamamahayag ang naging hatol hanggang noong nagdaang buwan ng Pebrero matapos i-lift na ang utos ng korte.
Sa pahayag ng County Court, bilang pagtugon sa prinsipyo ng open justice, papayagan na nila ang pagvideo at pagbroadcast ng live sa pagbasa ng hatol kay Pell.
Pero ang kukuhanan lamang ng video ay si Kidd habang binabasa ang hatol at wala nang ibang papayagan sa loob ng courtroom.
Maging si Pell ay wala sa courtroom kapag naganap ang live broadcast.