Nabigla ang Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng galunggong sa Muñoz Market nang magsagawa sila ng surpresang inspeksyon sa palengke.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, umaabot sa P140 ang kilo ng galunggong sa Muñoz Market at sobrang mahal umano nito.
Dahil sa kanilang pagtaya, dapat ay nasa P90 lang per kilo ang galunggong dahil marami ang suplay ng galunggong mapa lokal o imported.
Paliwanag naman ng mga nagtitinda, mahal ang upa sa pwesto at bayad sa trucking kaya kailangan nila patungan ng mahigit P40 ang presyo.
Maliban sa galunggong napansin rin ng DTI na mahal rin ang presyo ng manok na nasa P140 per kilo na ang suggested retail price ay nasa P130 per kilo lang.
MOST READ
LATEST STORIES